^

Bansa

SMEs suportado ni Hussin

-
Sinusuportahan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gob. Parouk Hussin ang mga maliliit at katamtamang laking negosyante.

Naniniwala si Hussin, tumatakbong senador sa ilalim ng K4, na ang small & medium enterprises (SMEs) ang siyang kumakatawan sa tunay na lakas ng ekonomiya at dahil dito dapat bigyan ng importansiya at suporta.

Ang ARMM sa ilalim ni Hussin ay nakapagtala ng economic growth rate na 4.8% (kumpara sa national growth rate na 4.4%) na siyang ikalawang pinakamabilis na umunlad na rehiyon sa bansa.

Pinapurihan ni Hussin ang pagsisikap ni Pangulong Gloria Arroyo na gawing "food basket" ng bansa ang Mindanao na siyang daan upang mahinto ang tatlong-dekadang secessionist movement.

Binanggit pa ni Hussin na ang SMEs mula sa Mindanao ay nakatagpo ng pagbebentahan ng kanilang paninda sa pamamagitan ng paglahok sa mga trade fair sa Metro Manila partikular sa Greenhills. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BINANGGIT

GREENHILLS

HUSSIN

LILIA TOLENTINO

METRO MANILA

MINDANAO

MUSLIM MINDANAO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PAROUK HUSSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with