Loren, sinita ng mga negosyante

Nagkaisa ang maraming negosyante at mangangalakal sa Makati, Maynila, Quezon City at iba pang lugar sa Metro Manila sa pagsuporta kay Sen. Loren Legarda sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente ng bansa. Ito ang sama-samang inihayag nina Donald Dee, presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP); Sergio Luis-Ortiz, ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI); Mike Valera, ng Philippines Inc. at dating Finance Sec. Jose Pardo.

Sa isang miting ay inindorso ng apat na business leaders si Loren dahil sa kanyang magandang track record sa Senado. "She showed capability, sincerity and earnestness in pursuing a pro-business agenda," ayon sa apat. (Rudy Andal)

Show comments