Pinay, 2-anyos anak nalitson sa Japan
February 25, 2004 | 12:00am
Hinihinala ng ilang kaanak ng isang Filipina at 2-anyos na anak nito na may naganap na foul play sa pagkasawi ng mag-ina matapos na sabay na malitson sa loob ng kanilang tahanan sa Japan kamakailan.
Ayon kay Luzviminda Pasco, kaanak ng biktimang si Adelita Masuda, tubong Cebu City, duda sila sa paraan ng pagkamatay ni Adelita at 2-anyos na anak nito na di binanggit ang pangalan.
Nabatid na ang insidente ay naganap noong Pebrero 12 pero nalaman ng DFA na na-cremate na ang mga labi ni Masuda sa utos umano ng kanyang asawang Hapon noong Pebrero 13.
Handa naman ang DFA na magbigay ng legal assistance sa pamilya ni Adelita upang agad na mapabalik ang mga labi ni Masuda at anak nito sa bansa.
Samantala, iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahapon na dalawang Pinay overseas Filipino workers ang nag-suicide sa Hongkong.
Ayon sa report, kinilala ang dalawang nagpakamatay na sina Normelita Magapayano at Monica Padilla.
Bagaman wala pang official report sa dahilan ng pagpapatiwakal, sinasabing ang dalawa ay natanggal sa kanilang mga trabaho sa di malamang dahilan.
Base sa report, nagbigti si Magapayano sa silid nito gamit ang kordon ng plantsa noong nakaraang Enero 22, samantala si Padilla ay tumalon mula sa bintana ng 11th floor ng kanyang tinutuluyang flat sa Hongkong.
Ang bangkay ng mga biktima ay nasa morgue pa rin sa HK. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest