^

Bansa

Army record ni FPJ may butas

- nina Malou Rongaleros at Grace dela Cruz -
Maaaring matagalan pa ang pagpapalabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) en banc sa kasong disqualification laban kay action king Fernando Poe, Jr. matapos makitaan ng butas ang position paper na isinumite ng abogado nitong si Atty. Estelito Mendoza.

Sa pahayag ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, hindi magkatugma ang isinumiteng dokumento ni Atty. Mendoza sa Korte Suprema na Affidavit for Philippine Army Personnel, ang ebidensiya ni Da King na kinilala siya ng kanyang ama.

Sa naturang position paper, nakasaad na nagpakasal ang mga magulang ni FPJ na sina Allan Poe at Bessie Kelley sa isang secret wedding sa Malate Church noong Enero 1939, gayong ang marriage contract ng mga magulang ni FPJ na isinumite sa Comelec ay nakasaad na ikinasal sila noong Setyembre 16, 1940.

"Halatang nagsisinungaling si Mendoza, mayroon bang secret wedding sa simbahan?" tanong ni Rep. Pichay.

Sinabi rin ni Mendoza na ayon sa isang Army record na may petsang Dec. 22, 1947, inilista umano ni Allan Poe na may isa itong anak na nagngangalang Ronnie na isang limang taong gulang na bata.

"Noong 1947 na siyang petsa ng Army document, si FPJ ay walong taong gulang na dahil ipinanganak siya noong 1939, kaya kung may sinasabing Ronnie na limang taong gulang na anak ni Allan Poe, eh hindi si FPJ ‘yun dahil malaki ang agwat ng edad nila," paliwanag ni Pichay.

Sinabi pa ni Pichay na walang ibang pinapatunayan ang Army document na inilabas ni Mendoza kundi nagsilbi ang ama ni FPJ noong panahon ng digmaan.

Malinaw anyang kinokontra ni Mendoza ang mga ebidensiya ng kanyang kliyente dahil ang birth certificate na isinumite nito sa korte ay nagpapakitang ipinanganak muna si FPJ bago nagpakasal ang kanyang mga magulang.

Ayon sa mambabatas, lubhang baluktot na ang argumento ni Mendoza dahil pilit nitong pinagtatakpan ng mga kasinungalingan ang isang kasinungalingan.

ALLAN POE

BESSIE KELLEY

DA KING

ESTELITO MENDOZA

FERNANDO POE

KORTE SUPREMA

MALATE CHURCH

MENDOZA

PHILIPPINE ARMY PERSONNEL

PICHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with