^

Bansa

Presyo ng kuryente bumaba dahil sa GRAM

-
Simula Pebrero ay makakaluwag ng bahagya ang mga mamamayan sa kanilang mga bayarin sa Meralco. Ito’y matapos ibaba ng kompanya ang singil sa kuryente ng 21-sentimo per kilowatt hour dahil sa GRAM o Generation Rate Adjusment Mechanism.

Mula P3.40/kWh ay nasa P3.19/kWh na lamang ngayon ang singil ng Meralco sa kuryente. Inaasahang mananatili sa ganitong halaga ang presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan.

"Bumaba ang presyo ng kuryente na kinukuha ng Meralco sa mga supplier tulad ng Napocor at mga IPP o Independent Power Procedures kaya naibaba rin namin ang singil namin sa aming mga customer," pahayag ni Elpi Cuna, vice pres. for corporate communications ng Meralco.

Sa GRAM ikinakarga ang mga pagbabago sa presyo ng kuryente mula sa mga power generators. Bagama’t kasama ito sa bill ng Meralco, ito’y pass-through charges lamang kung tawagin. Nangangahulugan na ito’y para sa mga power generators tulad ng Napocor.

BAGAMA

BUMABA

ELPI CUNA

GENERATION RATE ADJUSMENT MECHANISM

INAASAHANG

INDEPENDENT POWER PROCEDURES

MERALCO

NAPOCOR

SIMULA PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with