^

Bansa

Mendoza semplang na naman

-
Sumablay na naman ang abogado ni Fernando Poe, Jr. na si Estelito Mendoza sa pagharap nito sa isinagawang oral argument sa Korte Surprema kahapon matapos nitong ipagkanulo at sabihing ang mga dokumentong isinumite niya ay hindi maaaring maging basehan sa stipulation of facts ukol sa citizenship isyu ng aktor.

Sa naturang oral argument, itinatwa ni Atty. Mendoza ang mga isinumite niyang mga dokumento sa Comelec noong mag-file ng kandidatura si FPJ sa pagsabing hindi pruweba ang birth certificate at marriage contract para sabihing ang ina ni FPJ na si Bessie Kelley ay Amerikana nga, kahit pa nakalagay sa dokumento na ito ay isang American citizen.

Pinuna si Mendoza dahil ipinipilit nito na Pilipina si Bessie Kelley samantalang sa mga dokumentong isinumite niya mismo, ang nakalagay ay Amerikana ito.

Sinabi rin ni Supreme Court Chief Justice Hilario Davide kay Mendoza na ang nakalagay na salitang "married" kay Bessie Kelley ay maaari din ipakahulugan na may ibang asawa ito at hindi nangangahulugan na si Allan Fernando Poe ang mister nito.

Dahil dito, kinastigo ni Davide si Mendoza at inatasan ang magkabilang panig na magsumite ng kanilang position paper hinggil sa nasabing usapin.

Inakusahan rin ni Davide si Mendoza na nanghuhula lamang ng sabihin nito na ang taong bayan ang dapat na magdesisyon kung dapat na maupo bilang pangulo ng bansa si FPJ at kung may reklamo ang mga ito ay habulin na lamang ito sa pamamagitan ng quo warranto case.

Tinukoy ni Davide ang kaso ng mga nuisance candidates na maaaring ipatanggal sa pamamagitan ng kanselasyon ng certificate of candidacy at hindi sa pamamagitan ng isang pre-election protest na angkop lamang para sa local government.

Samantala, wala naman pagbabasehang legal upang kilalaning tunay na Filipino si FPJ dahil maging ang kanyang ama ay hindi siya kinilala bilang tunay na anak.

Batay sa ibinigay na pahayag ng isa sa mga miyembro ng amicus curiae na si Ruben Balane, kailangang kilalanin ng ama ang isang illegitimate child tulad ni FPJ.

Aniya, kung pagbabasehan ang birth certificate ni FPJ na may petsang Agosto 20, 1939, hindi pinirmahan ng ama ni FPJ ang birth certificate nito at wala rin anumang hiwalay na dokumento na magpapatunay na siya ay anak ni Allan Fernando Poe o higit na kilala bilang Fernando Poe, Sr.

Ipinaliwanag pa rin ni Balane na lalong tatagal ang pagdinig sa nasabing usapin kung ibabalik pa sa Comelec dahil kinakailangan pa na magharap ng panibagong ebidensiya upang patunayan na isa siyang natural born-Filipino. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ALLAN FERNANDO POE

AMERIKANA

BESSIE KELLEY

COMELEC

ESTELITO MENDOZA

FERNANDO POE

FPJ

KORTE SURPREMA

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with