Solon inismol ni ARMM Gov. Hussin
February 19, 2004 | 12:00am
Minaliit ni ARMM Gov. Parouk Hussin ang pahayag ni Rep. Didagen Dilangalen na "hirap na hirap" siyang kumbinsihin ang mga Muslim sa Mindanao na iboto si Pangulong Arroyo.
Ayon kay Hussin, pangkaraniwan na kay Dilangalen ang magpalabas ng mga isyung napakalayo naman sa katotohanan.
Kandidatong senador sa ilalim ng K-4 si Hussin at naniniwala siyang tulad ng panawagan ni dating MNLF chairman Nur Misuari ay nais ding makibahagi ng mga Muslim sa Mindanao sa kaunlaran ng Pilipinas na bumilis sa ilalim ng administrasyon ni GMA.
"Nakaugalian na ni Dilangalen na magpakalat ng mga tsismis na nakapaghahati lamang sa mga Muslim sa Mindanao,"ani Hussin. "Kakainin niya ang kanyang mga sinasabi dahil ang ARMM ay solido upang ihalal si Pangulong Arroyo."
Nilinaw niya na malaki ang tiwala ng mga mamamayan ng ARMM kay GMA dahil may kakayahan at hinog na ito sa karanasan upang ipagpatuloy ang mga patakaran at programang pakikinabangan ng mga Muslim sa buong Mindanao. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended