SC idedepensa vs FPJ camp
February 19, 2004 | 12:00am
Nagkaisa kahapon ang ibat ibang sektor ng lipunan na bumubuo sa bagong tatag na grupo, ang "Tanggol SC" upang ipaglaban ang Kataas-taasang Hukuman at ang kaayusan ng batas laban sa mga gustong yurakan ito.
Ayon sa mga opisyal ng "Tanggol SC", isang non-partisan group na binubuo ng mga propesyonal at lay leaders, ang kanilang kilos upang idepensa ang Korte Suprema ay sinimulan sa pamamagitan ng isang misa sa Edsa shrine kagabi at magtatapos sa isang nationwide prayer vigil na gagawin sa susunod na linggo.
Hihikayatin din ng grupo ang mamamayan na magsindi ng kandila sa labas ng kanilang tahanan sa Biyernes ng gabi bilang tanda sa kanilang suporta sa Korte Suprema sa pag-uumpisa ng deliberasyon nito ukol sa disqualification case laban kay Fernando Poe, Jr.
Ayon sa "Tanggol SC", ang kanilang hakbang ay bilang tugon sa banta ng kampo ni FPJ na kaguluhan o civil unrest kapag nadisqualify ang aktor dahil sa isyu ng kanyang pagka-Pinoy.
Ayon sa grupo, tatapatan nila ang puwersa ng kampo ni FPJ upag masiguro ang pangingibabaw ng kaayusan at katahimikan sa bansa.
Iginiit din ng grupo na handa silang ipagtanggol ang Korte Suprema sa panahong ito ay bastusin ng mga taga-suporta ni FPJ.
"Wala kaming sinusuportahang kandidato, pero kung magkakaroon ng civil unrest, narito lang kami at handang idepensa ang Korte Suprema bilang isng demokratikong institusyon." (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest