^

Bansa

Bagong droga ipagbabawal - Barbers

-
Tiniyak kahapon ni reelectionist Senator Robert Barbers na isasama sa talaan ng ipinagbabawal na gamot ang "Special K" o ketamine hydrochloride.

Ito’y matapos mapaulat na ang bagong droga ay siya ngayong alternatibong droga kapalit ng ecstacy na kinalolokohan ng mga kabataang nabibilang sa mayayamang pamilya.

Ayon kay Sen. Barbers, nakausap niya si Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force chief Deputy Director General Edgardo Aglipay at inamin ng huli na ang "Special K" ang nagbibigay sa kanila ngayon ng ibayong problema sa mga sindikato ng droga dahil hindi ito kasama sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Siniguro ni Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs, na aaksiyon kaagad ang Kongreso para masusugan ang RA 9165 kaugnay ng mabilis na pagbabago sa mga ilegal na droga na nilalabas ng mga sindikato.

Batay sa ulat ng AID-SOFT, inilabas ang "Special K" noong isang taon dahil sa kakulangan ng suplay ng shabu at ecstacy sa local maket. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BATAY

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGARDO AGLIPAY

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

REPUBLIC ACT

RUDY ANDAL

SENATOR ROBERT BARBERS

SPECIAL K

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with