Sa isang panayam sa radio DZRH, sinabi ni Ramos na walang katotohanan ang sinabi ni Shahani dahil mananatili siyang susuporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo.
Sinabi pa ni Ramos na bagaman ang kanyang kapatid na si dating Senador Leticia Ramos-Shahani at ang anak nitong si Ranjit ay nasa kampo ni FPJ, mayroon naman silang magkakaibang panuntunang pulitikal.
Ang balitang ito ay pinasinungalingan ng Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye.
"Si Pangulong Ramos ay isa sa mga pangunahing tagasuporta ng ating Pangulo.. At katunayan mayroon silang kundi man isang beses ay dalawang beses isang linggo na pag-upo upang bigyan ng advice ang ating Pangulo. Ito iyong kanyang advisory council," ani Bunye.
Sinabi ni Bunye na hindi dapat patulan ang isyung ito kahit ang nagsalita pa ay si Shahani dahil ang dating Pangasinan congressman ay nasa kampo ni Da King.