^

Bansa

GMA 'di ko iiwan—FVR

- Ni Ellen Fernando -
Mahigpit na pinabulaanan kahapon ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pinalutang na tsismis ng kanyang pamangking si dating Rep. Ranjit Shahani na iiwan na niya ang kampo ni Pangulong Arroyo para lumipat sa kampo ni action king Fernando Poe Jr.

Sa isang panayam sa radio DZRH, sinabi ni Ramos na walang katotohanan ang sinabi ni Shahani dahil mananatili siyang susuporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo.

Sinabi pa ni Ramos na bagaman ang kanyang kapatid na si dating Senador Leticia Ramos-Shahani at ang anak nitong si Ranjit ay nasa kampo ni FPJ, mayroon naman silang magkakaibang panuntunang pulitikal.

Ang balitang ito ay pinasinungalingan ng Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye.

"Si Pangulong Ramos ay isa sa mga pangunahing tagasuporta ng ating Pangulo.. At katunayan mayroon silang kundi man isang beses ay dalawang beses isang linggo na pag-upo upang bigyan ng advice ang ating Pangulo. Ito iyong kanyang advisory council," ani Bunye.

Sinabi ni Bunye na hindi dapat patulan ang isyung ito kahit ang nagsalita pa ay si Shahani dahil ang dating Pangasinan congressman ay nasa kampo ni Da King.

vuukle comment

BUNYE

DA KING

FERNANDO POE JR.

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG FIDEL RAMOS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

RAMOS

RANJIT SHAHANI

SENADOR LETICIA RAMOS-SHAHANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with