FPJ 'di aatras anuman ang hatol ng SC
February 16, 2004 | 12:00am
"Kahit ano ang maging desisyon nila, tuloy pa rin ang laban ko!"
Ito ang paniniguro ni presidential aspirant Fernando Poe Jr. matapos tanungin ng mga reporters kamakailan sa isang campaign sortie niya ukol sa disqualification case laban sa kanya na nakasalang sa Korte Suprema.
Sinabi ni FPJ na hindi siya aatras kahit ano pa ang gawin sa kanya. At sa mga naghain ng disqualification case laban sa kanya sa Mataas na Hukuman, nagpahayag si Da King na tulad ng mga linya nito sa pelikula ng "Baka sila ang hindi sikatan ng araw!", bilang banta sa magiging hatol ng korte na disqualification case dahil sa umanoy hindi pagiging natural Filipino born citizen nito.
Hindi naman pinalampas ng mga congressman ng Lakas sa pangunguna ni Surigao Rep. Prospero "Butch" Pichay ang paninindak na ginawa ni Da King.
Ayon kay Pichay, ang naging gawi ni FPJ ay pagpapakita lamang ng tunay na pagkatao ng naghahangad maluklok sa Malacañang sa darating na May 10 elections.
"Hindi matino ang naturang pahayag para sa isang presidentiable," buwelta ni Pichay sa action king hinggil sa sinabi ng huli sa isang rally na hindi sila aatras kahit ano pa ang gawin ng kanyang mga kalaban na nangangahulugan din ng pagbalewala sa magiging hatol ng Korte Suprema kapag itoy hindi pumapabor sa kanya.
Tinukoy pa ni Pichay ang isang pahayag ni FPJ na napakadelikado ang ipinapakitang karakter ng isang nag-aambisyong maging presidente ng bansa.
"Mapanganib na presidente ang may kaisipang nagbabalewala sa batas, pero naintindihan ko ang pahayag ni FPJ dahil baka ang akala niya ay nasa shooting siya ng isang pelikula," dagdag ni Pichay. (Ulat nina Rudy Andal at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Ludy Bermudo | 14 hours ago
Recommended