Ligtas-tigdas inilunsad sa Malabon

Pormal na inilunsad ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Malabon sa ilallim ng pamumuno ni acting City Mayor Jay-jay G. Yambao ang kampanya laban sa tigdas.

Mula Pebrero 2 hanggang 29, magsasagawa ang mga kawani ng kalusugan kasama ang mga local health workers at volunteers ng pagpapabakuna sa mga batang nasa edad siyam na buwan hanggang 7-anyos.

Layunin ng programa na mabigyan ng lunas ang nakamamatay na sakit na tigdas na karaniwang bumibiktima sa mga bata.

Bukod dito, nais din ng DOH na mabawasan ang bilang ng mga batang namamatay at nadadapuan ng naturang sakit.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga tao sa araw ng paglulunsad ng proyekto. Nagkaroon ng motorcade at maikling programa na dinaluhan ng iba’t ibang sektor sa Malabon.

Kabilang sa mga nagsipagdalo at nakiisa sa proyekto ay si acting Mayor Yambao na isa sa mga nagsusulong ng mga programa sa kalusugan ng mga residente ng Malabon. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments