Ayon kay Comelec chairman Benjamin Abalos sa isinagawang Comelec en banc session noong Biyernes, itinalaga sina Commissioners Florentino Tuason sa region 1 at Mehol Sadain sa region 2 at 3 upang tumutok para sa kaayusan ng halalan sa mga nabanggit na rehiyon.
Si Abalos naman ang mangangasiwa sa region 4 at 5 habang sina Commissioners Resurreccion Borra ay inilagay sa region 6 at 7 at Rufino Javier sa Region 8.
Samantalang ang bagong talagang Commissioners na sina Virgilio Garciliano na kinukuwestiyon ng ilang mambabatas ay ini-assign sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Atty. Manuel Barcelona sa Carraga Region.
Samantala, umapela sina Garcilliano at Barcelona sa mga bumabatikos sa kanilang pagkaka-appoint ni Pangulong Arroyo sa Comelec na bigyan sila ng pagkakataon na maglingkod.
Si Garcillano ay isinasangkot ni Sen. Nene Pimentel sa anomalyang l995 dagdag-bawas habang si Barcelona na dating chairman ng Philippine Postal Corporation (Philpost) ay binabanatan dahil sa pagiging malapit na kaibigan ng Pangulo.
Sinabi ni Barcelona, tumatayo ngayong pinuno ng finance commitee ng Comelec na personal na dahilan ang pagtanggap nito sa bago nitong posisyon. (Ulat ni Ellen Fernando)