^

Bansa

Commissioners ipinakalat sa mga rehiyon

-
Itinalaga na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga commissioners nito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa Mayo 10.

Ayon kay Comelec chairman Benjamin Abalos sa isinagawang Comelec en banc session noong Biyernes, itinalaga sina Commissioners Florentino Tuason sa region 1 at Mehol Sadain sa region 2 at 3 upang tumutok para sa kaayusan ng halalan sa mga nabanggit na rehiyon.

Si Abalos naman ang mangangasiwa sa region 4 at 5 habang sina Commissioners Resurreccion Borra ay inilagay sa region 6 at 7 at Rufino Javier sa Region 8.

Samantalang ang bagong talagang Commissioners na sina Virgilio Garciliano na kinukuwestiyon ng ilang mambabatas ay ini-assign sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Atty. Manuel Barcelona sa Carraga Region.

Samantala, umapela sina Garcilliano at Barcelona sa mga bumabatikos sa kanilang pagkaka-appoint ni Pangulong Arroyo sa Comelec na bigyan sila ng pagkakataon na maglingkod.

Si Garcillano ay isinasangkot ni Sen. Nene Pimentel sa anomalyang l995 dagdag-bawas habang si Barcelona na dating chairman ng Philippine Postal Corporation (Philpost) ay binabanatan dahil sa pagiging malapit na kaibigan ng Pangulo.

Sinabi ni Barcelona, tumatayo ngayong pinuno ng finance commitee ng Comelec na personal na dahilan ang pagtanggap nito sa bago nitong posisyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BENJAMIN ABALOS

CARRAGA REGION

COMELEC

COMMISSIONERS FLORENTINO TUASON

COMMISSIONERS RESURRECCION BORRA

ELLEN FERNANDO

MANUEL BARCELONA

MEHOL SADAIN

MUSLIM MINDANAO

NENE PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with