Peace talks sa Norway,naisalba
February 15, 2004 | 12:00am
Naisalba sa pagkadiskaril ang ginaganap na negosasyong pangkapayapaan sa Oslo, Norway sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front (NDF).
Ito ang magandang balitang ipinaabot kay Pangulong Arroyo ng GRP panel na pinamumunuan ni Secretary Silvestro Bello III.
Sinabi ni Bello kay Pangulong Aroyo na nagkasundo ang magkabilang panig na ipagpatuloy ang naantalang negosasyon at napagkayarian na magsagawa ng mga epektibong hakbang para maresolba ang isyu ng pagkakatala sa NDF-CPP-NPA sa listahan ng mga terorista.
Sa ginanap na pulong, sinabi ng panel ng pamahalaan na kailangang magpakita ang NDF ng mga legal at moral na basehan para maalis sila sa listahan ng mga terorista.
Sa kasunduang ginawa ng magkabilang panig, nakasaad ang kahandaan ng mga ito na maisulong ang prosesong pangkapayapaan at malunasan ang ugat ng armadong sagupaan ng CPP-NPA at mga sundalong militar. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am