^

Bansa

2 bagong commissioners di pa puwedeng magtrabaho

-
Iginiit kahapon ni re-electionist Sen. Aquilino Pimentel Jr. na hindi pa dapat umakto bilang mga bagong commissioners ng Comelec ang dalawang itinalaga ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay Sen. Pimentel sa isang ambush interview sa kampanya ng KNP sa Bulacan, nilinaw ng mambabatas na kahit itinalaga ng Pangulo sina Manuel Barcelona at Virgilio Garcillano bilang kapalit nina Luz Tancangco at Ralph Lantion na nagsipagretiro na, ay dapat muna silang dumaan sa pagsusuri ng Commission on Appointments.

Wika pa ni Pimentel, hindi dapat kaagad magtrabaho bilang mga commissioners ang dalawa dahil hindi pa sila pumapasa sa CA.

Sinabi ni Pimentel na haharangin niya ang agarang pagtatrabaho ng dalawa bilang mga opisyal ng Comelec dahil naniniwala siyang magiging bias ang mga ito dahil appointed sila ni GMA.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi makatarungan na bigyan kaagad ng puna sina Barcelona at Garcillano na diumano’y hindi kuwalipikado sa puwesto at magiging sunud-sunuran lang sa Pangulo.

Sinabi ng Malacañang na bigyan muna ng pagkakataon ang dalawa na maipakita ang kanilang mahusay na trabaho bago paulanan ng mga negatibong kritisismo.

Si Garcillano, 66, ay isang career officer ng Comelec. Bago nahirang sa bagong puwesto, siya ang Comelec director sa Region 10.

Si Barcelona naman ay isang practicing lawyer ng Barcelona-Barcelona-Magdanit Law Office. Miyembro siya ng Philippine Bar at State Bar ng New York. (Ulat nina Rudy Andal/Lilia Tolentino)

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL JR.

AYON

BARCELONA-BARCELONA-MAGDANIT LAW OFFICE

COMELEC

LILIA TOLENTINO

LUZ TANCANGCO

MANUEL BARCELONA

NEW YORK

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with