Tution fee tataas ng 300%
February 10, 2004 | 12:00am
Nagbabala ang isang grupo ng mga educator na posibleng umabot sa 300 porsiyento ang pagtaas ng tuition fee sa school year 2004-2005 sa Hunyo.
Ayon sa Alliance of Volunteer Educators (AVE), walang magagawa dito ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) dahil deregulated ang pagtataas ng tuition.
Hindi naman binanggit ng AVE kung ilang unibersidad at colleges ang magkakaroon ng tuition fee hike ngunit sinabi nito na kabilang sa listahan ang University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Sinabi naman ni AVE chairman Amang Magsaysay na tuwing magbubukas ang bagong school year ay nagkakaroon ng pagtaas sa matrikula subalit hindi naman tumataas ang kalidad ng edukasyon bagkus bumababa pa ito taun-taon.
Inamin pa ng AVE na maraming mga state universities ang hindi na nakakatanggap ng subsidy mula sa gobyerno at ito umano ang dahilan kung bakit naghahanap ang mga paaralan ng paraan para kumita.
At isa sa paraang nakikita nila ang magtaas ng matrikula na isa namang pahirap sa kanilang mag-aaral.
Binatikos naman ng AVE ang Malacañang gayundin ang DepEd at CHED dahil sa kabiguan nito na iangat ang antas ng edukasyon sa bansa na kulelat na umano sa buong Asya.
Sapat na pondo anya ang siyang kailangan ng mga paaralan upang hindi ito maging inutil sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended