PNP at MMDA inalerto: Mainitang kampanya simula ngayon
February 10, 2004 | 12:00am
Inalerto ng Commission on Elections (Comelec) ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development Authority (MMDA) upang tumulong na tutukan ang paninimula ng pangangampanya ng mga national candidates ngayong araw,
Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, may mga limitasyon na isinasaad sa batas ang pangangampanya ng mga kandidato maging sa political advertisements sa radyo, telebisyon at mga pahayagan kaya inatasan nito ang PNP at MMDA upang tumulong na magmonitor sa mga kilos ng mga kandidato na posibleng lumabag sa Omnibus Election Code.
Nabatid na P10 lamang ang dapat na gagastusin ng bawat national candidate sa isang botante habang P5 ang ilalaan ng kandidato sa partylist.
Sa loob ng 90-araw na pangangampanya bago sumapit ang takdang halalan sa Mayo 10, ang bawat kandidato sa nasyunal ay kailangan lamang na makapagpalabas ng 120 minutong TV commercials habang 180 minuto sa radyo.
Dapat ay standard size naman ang lahat na lalabas na advertisement sa mga tabloid at malalaking pahayagan sa mga kandidato.
Sa political ads, dapat ay 1/2 page lamang sa tabloid ang dapat na lumabas sa bawat national candidate at 1/4 page sa broadsheet sa tatlong araw sa loob ng isang linggo.
Inamin naman ni Comelec Director IV Ferdinand Rafanan ng Department of Education and Information na kulang na kulang ang monitoring team ng Comelec kaya inaasahan din nila ang tulong ng publiko.
Sinabi ni Rafanan na maaaring idemanda ng may-ari ng isang bahay ang mga kandidato at supporters nito na nagdikit ng mga campaign materials sa kanilang bahay ng walang pahintulot.
Maaari rin aniyang i-apply ang citizens arrest sa mga kandidatong lalabag sa Omnibus Election Code gaya ng paglalagay ng mga campaign posters, billboards at streamers sa hindi karaniwang boarder areas. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Ludy Bermudo | 17 hours ago
Recommended