Pagkatalo dapat tanggapin ni Sen. Angara
February 9, 2004 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Sen. Joker Arroyo sa grupo ni Sen. Edgardo Angara na tanggapin na ang kanilang pagkatalo matapos na hindi sila makakuha ng mayoryang boto para mapalusot ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng kaso si dating National Archives director Ricardo Manapat.
Sinabi ni Sen. Arroyo, hindi na dapat ipilit ni Sen. Angara ang kanyang committee report tungkol kay Manapat matapos na hindi makakuha ang mga ito ng majority vote kung saan 18 senador ang present nang talakayin ito sa floor deliberations noong Biyernes. Wika pa ni Arroyo, ang majority vote ng 18 senador na present sa sesyon ay 9 plus 1 upang maipasa ang commitee report ni Angara subalit siyam na boto lamang ang nakuha nila at siyam ang abstain. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest