Ayon kay Virgilio Bolor, chairman at regional coordinator ng PGBI, ang karamihan ng OFWs sa Saudi ay sumusuporta kay presidential candidate Fernando Poe Jr. at vice presl bet Sen. Loren Legarda.
"We overseas Filipinos fervently want our country to progress so that we wont have to leave our families behind to earn a living abroad. Only FPJ and Loren can achieve this for us," wika ni Bolor.
Sinabi ni Bolor na nagdagsaan sa Riyadh ang maraming Pilipinong nasa Saudi ng mabalitaan nila ang pagtatatag sa FPJ-Loren Movement doon. (Ulat ni Ellen Fernando)