Disqualification vs FPJ tuluyan nang ibinasura ng Comelec

Tuluyang ibinasura kahapon ng Comelec en banc ang motion for reconsideration sa kasong disqualification case laban kay Fernando Poe Jr. na isinampa ng petitioner na si Atty. Victorino Fornier dahil sa kawalan ng merito.

Pinagbasehan ng Comelec en banc ang desisyon nito sa unang desisyon ng Comelec First Division na nagbabasura sa disqualification complaint ni Fornier laban kay FPJ.

Sa unanimous decision, sinabi na walang matibay na ebidensiyang iniharap ang panig ni Fornier upang idiskuwalipika ang kandidatura ng aktor.

Sinabi naman ni Fornier na hindi pa rin tapos ang laban dahil iaakyat niya ang kaso sa SC. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments