^

Bansa

Manapat pinakakasuhan ng Senado

-
Inirekomenda ng dalawang komite ng Senado na sampahan ng kasong kriminal at administratibo si National Archives director Ricardo Manapat dahil sa umano’y pagsusumite ng pekeng dokumento sa Comelec para sa disqualification ni Fernando Poe Jr.

Sa rekomendasyon ng committee on constitutional amendments, revision of codes and laws and electoral reforms at blue ribbon committee, pinasasampahan ng kasong falsification of public documents, perjury, infidelity in custody of public documents, incriminatory machination, obstruction of justice, graft at theft si Manapat.

Batay sa draft committee report na pinapaikot sa mga miyembro ng dalawang komite, dapat sampahan ng kasong kriminal at administratibo si Manapat matapos lumitaw na ‘pineke’ lamang ang dokumento ng magulang ni FPJ para palitawin na hindi ito Filipino citizen.

Kabilang sa mga nakalagda sa report sina Senators Serge Osmeña, Edgardo Angara, Juan Flavier, Ramon Magsaysay Jr., Loren Legarda at Aquilino Pimentel.

Inirekomenda din ng komite ang disbarment ni Atty. Victorino Fornier matapos umanong makipagsabwatan ito kay Manapat ng isumite bilang ebidensiya sa petisyon nito sa Comelec ang pinekeng dokumento para ma-disqualify si FPJ.

Magugunita na idiniin ng tatlong empleyado ng Archives na sina Vicelyn Tarin, Emman Llanera at Remmel Talabis si Manapat na nag-utos sa kanila para doktorin ang dokumento ng magulang ni Da King. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL

COMELEC

DA KING

EDGARDO ANGARA

EMMAN LLANERA

FERNANDO POE JR.

INIREKOMENDA

JUAN FLAVIER

LOREN LEGARDA

MANAPAT

NATIONAL ARCHIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with