^

Bansa

Capt. Gabay ng 'Kawal' sumuko

-
Matapos na madiin sa kontrobersiya, personal na sumuko kahapon sa National Bureau of Investiagtion (NBI) ang nagpanggap na Capt. Gabay ng grupong "Kawal Pilipino" kung saan idiniin nito si Pastor "Boy" Saycon na siyang utak ng naturang pagbuo ng grupo laban sa pamahalaan.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang suspek na si Baltazar Asadon, 33, may mga alyas na Atty. Azoden Baltazar at Capt. Gabay. Kasama nitong nagtungo sa NBI ang kanyang abogadong si Atty. Tusitala Fajarito at bitbit rin ang bandila na ginamit nila sa ginanap na press conference kung saan binasa niya ang manipesto ng Kawal.

Sa imbestigasyon ng NBI-Special Task Force (STF), sinabi ni Asadon na noong Enero 26, 2004 inimbitahan siya ni Capt. Edwin Navarro sa isang pulong sa Glorietta, Makati. Nagkita-kita rin umano sila nina Army Capts. Rembert Baylosis, Marcos Serafica, Mohammad Yusop Hassan at Philip Esmeralda sa may Shell gas station sa may kanto ng Edsa at Ayala Avenue.

Nakipagkita umano ang grupo kay Saycon, sec-gen ng Council on Philippine Affairs (COPA), sa Glorietta kung saan pinulong nito ang mga militar maliban kay Asadon. Dito na sila tumuloy sa isang bahay sa may Muntinlupa City na inamin ni Saycon na kanyang ‘safehouse’.

Dito umano siya inutusan ni Saycon na magsuot ng damit ng Phil. Army na ibinigay sa kanya ni Capt. Navarro. Sinabihan pa umano siya ng naturang opisyal ng, "Isuot mo na yan Bal, there’s no turning back. This is it, you will face the media and you will read the statement."

Nang tumanggi siya, dito umano nagalit si Saycon at binalaan siyang huwag nang magreklamo dahil may masama umanong mangyayari sa kanya.

Dito na isinagawa ang kanilang pagharap sa media habang nakatakip sa kanila ang bandila ng bansa na nakasulat ang katagang "Kawal". Matapos niyang basahin ang manipesto, isa sa mga reporter ang nagtanong ng kanyang pangalan kung saan diniktahan umano siya ng isang sundalo na magpakilalang si Capt. Gabay.

Nang matapos, basta na lamang iniwan ang naturang bandila na kanya namang inuwi at ngayo’y isinuko na sa NBI. Pinag-aaralan naman ngayon kung maaaring mapabilang na state witness si Asadon laban kina Saycon at iba pang utak sa kawal. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMY CAPTS

ASADON

AYALA AVENUE

AZODEN BALTAZAR

BALTAZAR ASADON

CAPT

DITO

GABAY

SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with