FG Arroyo dinawit sa Archives scandal
February 3, 2004 | 12:00am
Dalawa pang testigo ang lumutang sa Senado at dinawit pati si First Gentleman Mike Arroyo sa kontrobersiya ng pamemeke ng dokumento ni National Archives director Ricardo Manapat sa magulang ni Fernando Poe Jr. para palabasin na hindi ito Filipino.
Ito ang lumutang sa isinagawang imbestigasyon ng Senate committee on electoral reforms na pinamumunuan ni Sen. Edgardo Angara matapos ibunyag ng driver ni Manapat na si Felix Loqueng na hinatid niya ang director sa opisina ni FG Arroyo sa LTA building sa Makati City.
Ayon kay Loqueng, noong Disyembre habang nasa kainitan ng usapin sa citizenship ni FPJ sa Comelec ay nagpahatid sa kanya si Manapat sa tanggapan ni FG Arroyo ng dalawang beses para umano kausapin ang kanyang mga abugado.
Wika ni Loqueng, hindi niya alam kung sino ang kinausap ni Manapat sa nasabing gusali.
Ayon pa kay Loqueng, Enero 12 ng ihatid naman niya si Manapat sa Florofoto shop sa Quiapo kung saan ay may dala-dala itong envelop. Umamin naman ang technician ng Florofoto na sa kanila nagpagawa ng pekeng microfilm si Manapat.
Ayon kay Willie Duff, technician ng Florofoto sa Quiapo, nagtungo sa kanilang shop si Manapat noong Enero 10 upang magpagawa ng microfilm para sa may 50 dokumento.
Ibinilin umano ni Manapat kay Duff na highly confidential ang nilalaman ng mga dokumento kaya hindi nila ito puwedeng basahin hanggang sa magawa niya ito at tinawagan si Manapat upang kunin na ang microfilm. Subalit naging malabo ang kinalabasan nito kaya muling nagdala ng mga dokumento si Manapat noong Enero 12.
Sinabi ni Duff sa Senate inquiry, nais umano ni Manapat na magkaroon ng isang kopya ng microfilm para sa bundle ng birth certificate at 2 kopya naman ng microfilm para sa bundle ng deed of sales.
Enero 17 ng magbalik si Manapat sa Florofoto shop para kunin ang microfilm na ipinagawa nito hanggang sa basahin nila ang resulta sa kanilang microfilm reader at doon niya natuklasan na ang nilalaman pala ng ipinagawa ni Manapat ay birth certificate ng ama ni FPJ at ang mariage contract ni Allan Fernando Poe kay Paulita Gomez.
Mariin namang itinanggi ni FG Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Atty. Jesus Santos na nakausap ng Unang Ginoo si Manapat.
Hinamon ni Mr. Arroyo ang witness nina Senators Vicente Sotto at Angara na maglabas ng ebidensiya na nakipag-usap siya kay Manapat. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am