Batay sa complaint affidavit na isinumite ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ, idiniin nito si Saycon sa nasabing kaso dahil sa umanoy pakikipagsabwatan nito sa mga miyembro ng Kawal Pilipino.
Si Saycon ang napaulat na tumulong para iharap sa media ang naturang mga sundalo na tutol sa liderato ni Defense Secretary Eduardo Ermita.
Kasong paglabag sa Republic Act 8491 o paglapastangan sa Philippine Flag ang isinampa laban kay Saycon.
Kasama ding kinasuhan ng NBI sina ret. Police Gen. Pedro Navarro at Atty. Pedro Baltazar at ang limang umanoy miyembro ng Kawal na sina Army Capts. Mohammad Yusop Hasan, Marcos Serapica, Philip Esmeralda, Rembert Baylosis at Edwin Navarro.
Samantala si Atty. Baltazar ay kakasuhan din ng disbarment at paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o illegal use of uniform dahil sa pagpapanggap nito na siya si Capt. Gabay habang binabasa ang kanilang manipesto. (Ulat ni Grace dela Cruz)