^

Bansa

Salpukan ng 2 bus: 11 dedo

-
Labing-isa katao ang kumpirmadong nasawi habang 14 pa ang malubhang nasugatan matapos na aksidenteng magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus ng Victory Liner sa highway ng Brgy. Tambo, Botolan, Zambales nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., nabatid na karamihan sa mga biktima ay pawang dead-on-the-spot sa insidente habang ang dalawa ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Zambales.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo Nacar; Dennis, 35 at Dina Bueno, 33 at anak nilang si Justine Bueno, 10 anyos; Jeanette Batalon, 41; Shiela del Rosario, Nomeriano Dizon, Arman Isla, konduktor ng ordinaryong bus, Raul Montes, Federico Castro at isang di pa nakilala.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang sina Arman dela Isla, 28; Alfonso Velasquez; Mylene Frias; Ethel Aquino; Nathaniel Edlan Jr.; Mely dela Cruz; Mary Mercedez; Jocelyn Realino; Charmaine Mauricio; Enrico Victor; Jenny Daguyos; Teresita Calma; Elmer Bumagat at isang di pa nakilalang biktima.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas 4: 30 ng madaling araw nang magbanggaan ang airconditioned Victory Liner bus na may plakang CVP-440 na patungong Olongapo City at ang kasalubong nitong ordinary Victory Liner bus na may plakang CVU-629 na minamaneho naman ni Nomeriano Dizon at patungo naman sa Sta. Cruz, Zambales.

Nabatid na tinangkang iwasan ni Manabat ang kasalubong nitong mini-farm tractor (kuliglig) na papatawid sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tampo, Botolan pero sa kamalasan ay sa kapwa bus nito ito sumalpok.

Sa lakas ng pagkakabangga ay marami sa mga pasahero ang dead-on-the-spot sa insidente habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang iba pang mga sugatang biktima matapos na magkayupi-yupi ang dalawang bus.

Nagdagsaan naman sa lugar ang pamilya ng mga biktima upang kilalanin at hanapin ang mga nasawi at nasugatan nilang kaanak.

Dinala na ang bangkay ng mga nasawi sa Bartolome Funeral Homes sa Iba, Zambales. Patuloy na isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat nina Jeff Tombado,Joy Cantos at Erickson Lovino)

ALFONSO VELASQUEZ

ARMAN ISLA

BARTOLOME FUNERAL HOMES

BOTOLAN

BRGY

CHARMAINE MAURICIO

NOMERIANO DIZON

VICTORY LINER

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with