^

Bansa

‘Pagtataray’ ni FPJ sa b-day ni Loren binira

-
Kinondena kahapon ni Bulacan Rep. Willie Villarama ang naging ‘pagtataray’ ni action king Fernando Poe Jr., nang pagtatanungin ng mga reporters ng Senado kamakalawa sa birthday party ng running mate nitong si Senadora Loren Legarda.

Ayon kay Rep. Villarama, dapat alalahanin ni FPJ na ginagawa lamang ng mga naturang reporters ang kanilang tungkulin nang ‘mawala ang pagtitimpi’ ng presidential aspirant. Hindi naman tama aniya na tuwing walang maisasagot si FPJ ay pandidilatan na lang niya ang media.

Nauna nang pinandilatan at tinaasan ng boses ni FPJ ang mga nagtatanong na reporters kaugnay sa ilang isyu na kinabibilangan ng parusang bitay, pagbagsak ng piso kontra dolyar at plataporma de gobyerno nito.

Sa unang mga pagtatanong ay mahinahong sinagot ni FPJ ang mga ibinabatong mga tanong sa kanya subalit medyo tumaas ang boses sa pahabol na tanong ng ilang mga reporter.

Wika ni Villarama, mahinang dahilan din ang naging paliwanag ng spokesman ni Da King na kaya hindi nagsasagot sa mga tanong ng mga reporters si FPJ ay dahil sa election laws.

Ayon sa mambabatas, isang lehitimong isyu ang usapin sa ekonomiya at military adventurism na dapat lamang sagutin ng isang presidential aspirant.

Nangangamba si Villarama na kung sakaling manalo si FPJ, ang ‘no talk, no mistake policy" nito ang siyang magiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan ng publiko dahil ang mga taong nakapaligid sa kanya ang tiyak na siyang magpupuno sa ‘kawalan ng boses’ ni FPJ.

Naniniwala ang mga solon na hindi kakayanin ni FPJ ang pressure nang pagiging isang presidente. Kung ngayon pa lamang ay hindi na makayanan ni Da King ang pressure na ibinabato sa kanya ay malaki anya ang posibilidad na hindi niya rin makakayanan ang mas malaking pressure na makakaharap nito kapag nanalo siyang pangulo ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BULACAN REP

DA KING

FERNANDO POE JR.

FPJ

MALOU RONGALERIOS

SENADORA LOREN LEGARDA

VILLARAMA

WILLIE VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with