^

Bansa

1-linggong luksa kay Doy

-
Nagdeklara kahapon ang Malacañang ng isang linggong pagluluksa sa pagyao ni dating Bise Presidente Salvador "Doy" Laurel.

Sa Proklamasyon Bilang 544 na nilagdaan ni Executive Secretary Alberto Romulo, nakasaad ang kautusan ni Pangulong Arroyo ng half-mast sa lahat ng bandila ng government offices kabilang ang tanggapan ng Bise Presidente, Senado at House of Representatives, mga instalasyon ng pamahalaan sa bansa at sa ibayong dagat sa loob ng isang linggo na nagsimula kahapon hanggang sa araw ng kanyang libing.

Pinuri sa proklamasyon ang pagiging makabayan at maginoo ni Laurel.

Iniukol niya ang kanyang buhay sa matapat na paglilingkod sa bayan at mamamayan.

Kasama din sa proklamasyon ang direktiba sa AFP na pagkalooban ng state funeral ang yumaong Bise Presidente at paglilibing sa kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BAYANI

BISE PRESIDENTE

BISE PRESIDENTE SALVADOR

DOY

EXECUTIVE SECRETARY ALBERTO ROMULO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INIUKOL

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

SA PROKLAMASYON BILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with