Isang state funeral ang nais ni Pangulong Arroyo na ipagkaloob kay Laurel dahil sa ginawa niyang pakikipaglaban sa panunumbalik ng kalayaan ng bansa sa ilalim ng batas militar at rehimeng Marcos.
Bukod sa pagiging Bise Presidente, si Laurel ay nagsilbi ring Foreign Affairs secretary sa administrasyong Aquino. Nahalal din siyang senador bago nagdeklara ng martial law ang yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang pinakahuli niyang puwestong hinawakan ay ang pagiging chairman ng Centennial Commission noong panahon ni dating Pangulong Ramos. (Ulat ni Lilia Tolentino)