PAO ang sisihin 'wag ako! - Ping
January 28, 2004 | 12:00am
Binatikos kahapon ni Sen. Panfilo Lacson si Atty. Persida Rueda-Acosta, chief ng Public Attorneys Office (PAO) dahil sa pagsangkalan sa kanyang pangalan upang mapaabsuwelto ang dalawang convicted kidnapper na sina Roberto Lara at Roderick Licayan na nakatakdang bitayin ngayong Enero 30.
Partikular na kinuwestiyon ni Sen. Lacson ang oral argument ni Acosta sa Supreme Court na kaya umamin sina Lara at Licayan sa kasong kidnapping nina Joseph Tomas Co at Linda Manaysay ay dahil tinorture sila ng mga kagawad ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).
"I am surprised why the supposed new affidavit even mentioned a Lacson of the PAOCTF as the one who tortured Lara. I am doubly surprised why during the oral arguments, Atty. Acosta mentioned the Kuratong Baleleng case when it has nothing to do with the kidnapping case involving Lara and Licayan," sabi ng senador.
Sinabi pa nito kung mayroon mang dapat sisihin sa nakatakdang pagbitay sa dalawa, itoy walang iba kundi ang PAO mismo dahil pinabayaan nila ang dalawa mula nang mahatulan ito ng Marikina Regional Trial Court.
Aniya, hindi man lamang umano naghain ng motion for reconsideration si Acosta ng mahatulan ang dalawa sa lower court kaya napadali ang pag-akyat ng kaso sa SC para sa pinal na desisyon. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended