PNP tagumpay vs krimen, terorismo
January 28, 2004 | 12:00am
Patuloy na namamayagpag ang PNP sa kampanya nito sa krimen at terorismo, ayon sa report na ipinalabas ni Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr.
Ayon sa datos, bumaba ng 13.5 percent ang overall crime volume sa nakalipas na dalawang taon. Noong 2003, bumaba ito ng 2.1 percent at 11.4 percent naman noong 2002.
Binigyang kredito ng Malacañang si Ebdane sa kanyang pamumuno dahil sa pagkakaaresto sa mga suspek na kabilang sa mga sindikato na damay sa mga terrorist act, drug trafficking at kidnapping. Pinapurihan din ang PNP sa pagkakahuli ng mga sindikatong kasangkot sa robbery/holdup, carnapping at paglaganap ng iligal na droga.
Sinabi ni Ebdane na malaking tulong ang paglulunsad ng PNP Text 2910 dahil mas maraming mga mamamayan ang nagpapadala ng sumbong sa pulis.
Ang PNP ay nakakatanggap ng 5,000 text messages sa isang buwan, patunay na patuloy na nagtitiwala ang mga mamamayan sa buong kapulisan.
Ipinagmalaki ni Ebdane na 86 lugar sa buong bansa ang jueteng-free. Ang PNP Anti-Drugs Task Force naman ay nakapagpasara ng 16 laboratoryo at warehouse ng shabu, bukod pa sa pagkaaresto sa mga hinihinalang drug pusher sa pamamagitan ng raids habang 20,064 kaso na ang naisampa sa mga korte.
Matagumpay din ang anti-terrorism drive ng PNP sa pamamagitan ng Task Force Sanglahi. Aniya, ito ang dahilan upang mabuwag ang terrorist network ni Saddam Hussein at mapalayas sa bansa ang 11 Iraqi at 3 diplomat. Nahuli din ng PNP ang mga miyembro ng Abu Sayyaf kabilang si Muklis Yunos na sangkot sa Rizal Day bombing at naaresto si Taufek Refke ng Jemaah Islamiyah.
Pinatatatag din ng PNP ang anti-kidnapping activity nito sa pamamagitan ng suporta ng NAKTF at PACER. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended