^

Bansa

Bro.Eddie lusot sa disqualification

-
Wala nang hadlang pa ang pagtakbo bilang pangulo sa darating na May elections si Jesus Is Lord (JIL) Bro. Eddie Villanueva matapos na ibasura kahapon ng Comelec ang disqualification case na isinampa ng isang grupo ng mga guro at manggagawa laban dito.

Sa 8-pahinang desisyon ng Comelec 2nd Division, dinismis ang petisyon ng grupong Advocates and Adherents of Social Justice for School Teachers (AASJS) na kinakatawan ni Atty. Samson Alcantara na idiskuwalipika si Bro. Eddie dahil sa "lack of merit."

Sinabi ng AASJS na hindi dapat payagan ang kandidatura ni Bro. Eddie dahil nilalabag umano nito ang Konstitusyon partikular ang batas na tumutukoy sa separasyon ng Simbahan at estado.

Sa desisyon ng Comelec, hindi hadlang ang pagiging religious leader para pumasok sa pulitika.

Iaapela ni Alcantara sa Comelec en banc ang usapin. (Ulat ni Ellen Fernando)

ADVOCATES AND ADHERENTS OF SOCIAL JUSTICE

COMELEC

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

ELLEN FERNANDO

IAAPELA

JESUS IS LORD

KONSTITUSYON

SAMSON ALCANTARA

SCHOOL TEACHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with