Sinabi ni Konsehal Ren-ren Cayetano na kanyang kinasuhan si Fresnedi ng graft dahil nangongolekta ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ng bayad mula sa mga illegal terminal ng walang awtoridad ng Sangguniang Panglungsod na labag sa itinatakda ng Local Government Code.
Sinabi ni Cayetano na hawak niya ang isang legal opinion mula kay Sec. Joey Lina Jr. ng Department of Interior and Local Government na lalong magpapatibay ng kaso laban kay Fresnedi.
Ang kaso ay nag-ugat sa pag-amin ni Alexander Moldez, pinuno ng traffic sa Muntinlupa at kamag-anak ni Fresnedi, sa isang public hearing ng Sangguniang Panglungsod noong Oktubre 8,2003. Inamin ni Moldez na si Fresnedi ang nag-utos sa kanya na payagan ang operasyon ng terminal ng Albicarrosa Group Transport sa Alabang na bumibiyahe patungong Sta. Rosa, Laguna at Balibago. Nasa pangangalaga ni Cayetano ang transcript at taped recording ng naturang public hearing. (Ulat ni Ellen Fernando)