^

Bansa

Muntinlupa City Mayor Fresnedi kinasuhan sa Ombudsman

-
Kinasuhan ng graft ng anak ng yumaong si Senator Rene Cayetano sa Office of the Ombudsman si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi dahil sa umano’y pagpayag nito na mag-operate ang mga illegal na terminal ng jeepney sa Alabang.

Sinabi ni Konsehal Ren-ren Cayetano na kanyang kinasuhan si Fresnedi ng graft dahil nangongolekta ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ng bayad mula sa mga illegal terminal ng walang awtoridad ng Sangguniang Panglungsod na labag sa itinatakda ng Local Government Code.

Sinabi ni Cayetano na hawak niya ang isang legal opinion mula kay Sec. Joey Lina Jr. ng Department of Interior and Local Government na lalong magpapatibay ng kaso laban kay Fresnedi.

Ang kaso ay nag-ugat sa pag-amin ni Alexander Moldez, pinuno ng traffic sa Muntinlupa at kamag-anak ni Fresnedi, sa isang public hearing ng Sangguniang Panglungsod noong Oktubre 8,2003. Inamin ni Moldez na si Fresnedi ang nag-utos sa kanya na payagan ang operasyon ng terminal ng Albicarrosa Group Transport sa Alabang na bumibiyahe patungong Sta. Rosa, Laguna at Balibago. Nasa pangangalaga ni Cayetano ang transcript at taped recording ng naturang public hearing. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALABANG

ALBICARROSA GROUP TRANSPORT

ALEXANDER MOLDEZ

CAYETANO

ELLEN FERNANDO

FRESNEDI

JOEY LINA JR.

KONSEHAL REN

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with