^

Bansa

FPJ bumilib sa 3 testigo

-
Nagpasalamat kahapon si KNP standard bearer Fernando Poe Jr. sa Commission on Elections kaugnay sa naging patas na desisyon nito ng ibasura ang petisyon ni Atty. Victorino Fornier para sa kanyang diskuwalipikasyon.

Sinabi ni FPJ sa kanyang statement, pinasasalamatan din niya ang kanyang mga supporters, gayundin ang matatapang na empleyado ng National Archives na sina Vicelyn Tarin, Remmel Talabis at Emman Llanera dahil sa pagsisiwalat ng mga ito ng katotohanan kahit itinaya nila ang kanilang buhay at trabaho sa ginawa nilang pagbubunyag laban kay Archives director Ricardo Manapat.

Wika pa ni FPJ, dapat hangaan ang katapangan at katatagan ng loob ng 3 testigo na nagbulgar ng lahat nilang nalalaman laban kay Manapat sa isinagawang imbestigasyon ng Senado. Aniya, sina Vicelyn, Remmel at Emman ang mga unang mamamayan ng bagong Pilipinas.

"I have a Filipino father so, I am a Filipino. I did not apply for naturalization so I am a natural-born citizen," paliwanag pa ni Da King. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

DA KING

EMMAN LLANERA

FERNANDO POE JR.

NATIONAL ARCHIVES

REMMEL TALABIS

RICARDO MANAPAT

RUDY ANDAL

VICELYN TARIN

VICTORINO FORNIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with