^

Bansa

Tubig irarasyon na!

-
Nakahanda ang pamahalaan na magrasyon ng tubig sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang bahagi ng hilagang Luzon.

Tiniyak ito ni Pangulong Arroyo sa harap ng inaasahang kakulangan sa tubig dahil sa pagbaba ng imbak na tubig sa anim na dam ng Luzon partikular sa Angat Dam sa Bulacan na ang water level ay naitala sa 198.77 metro sa nakalipas na 24-oras.

Ang Angat dam ang pinagkukunan ng 97 porsiyento ng supply ng tubig sa Metro Manila ng 8-M kumokonsumo nito.

Sinabi ng Pangulo na inatasan na niya ang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na bumalangkas ng plano para mapagaan ang negatibong epekto ng krisis sa tubig.

Ang mga dam na kasalukuyang minamanmanan din ng mga awtoridad ay ang Magat dam sa Isabela, Pantabangan dam sa Nueva Ecija, Binga at Ambuklao sa Benguet at San Roque dams sa Pangasinan.

Para rin maiwasan ang pinangangambahang kakulangan sa tubig, nanawagan ang Pangulo sa publiko na magpatupad ng pagtitipid sa gamit ng tubig. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG ANGAT

ANGAT DAM

LILIA TOLENTINO

LUZON

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SAN ROQUE

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with