Ito ay makaraang paboran ng SC en banc ang inihaing mosyon ng Public Attorneys Office (PAO) na humihiling na payagan sila para sa isang debate tungo sa pagharang ng pagbitay sa dalawang kidnapper.
Sa resolution ng SC, itinakda ang oral argument sa Enero 26 sa alas-2 ng hapon. Binigyan naman ng Mataas na Hukuman ang Office of the Solicitor General (OSG) para maghain ng kanilang komento ng hanggang Enero 23 ng tanghali kung nararapat bang payagan na huwag ituloy ang pagbitay sa dalawa at payagan ang mosyon ng PAO na muling buksan ang naturang kaso.
Pagbabatayan ng SC ang posisyon ng PAO at OSG kung may sapat na basehan para isalang sa lethal injection ang dalawang convict. Inatasan din ng SC ang PAO na isumite ang affidavit ng umanoy utak sa krimen na sina Pedro Mabansag at Rogelio delos Reyes.
Matatandaan na naghain ang PAO ng 15-pahinang urgent motion to re-open the case with leave of court sa Korte Suprema para muling buksan ang kaso nina Lara at Licayan.
Iginiit ng PAO sa pamamagitan ng hepe nitong si Atty. Persida Rueda-Acosta na bagong testimonya at ebidensiya ang maaaring iharap sa hukuman makaraang madakip sina Mabansag at delos Reyes na kasabwat din umano sa krimen. (Ulat nina Grace dela Cruz)