Palasyo wala raw alam sa naglabasang anti-FPJ ads
January 21, 2004 | 12:00am
Mariing itinanggi ng Malacañang na may kinalaman ito sa paglabas sa mga pahayagan ng isang full-page ads na nagsasabing peke ang ipinakikitang birth certificate ni Fernando Poe Jr.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignaco Bunye na hindi umano gagawin ng Palasyo ang binabanggit na taktika.
Itinanggi rin ni Atty. Victorino Fornier na mula sa kanyang kampo ang pagpapalabas ng mga paid advertisement laban kay FPJ.
Pinasinungalingan din nito na may nagpi-finance sa kanya upang isulong ang kasong disqualification case ng aktor.
Sinabi ni Fornier na nanggaling sa kanyang bulsa ang ginagastos nito sa pagsusulong ng kaso ni FPJ. Ang kapatid ni Fornier ang naghain noon ng petisyon kay dating Manila Mayor Alfredo Lim na kinuwestiyon ang kanyang citizenship dahil isa umano itong Chinese national. Ibinasura ng Comelec ang petisyon laban kay Lim at natuloy ang pagtakbo nito bilang pangulo ng bansa.
Samantala, si Atty. Ricardo Manapat ng National Archives Records and Management Office na nagbigay ng kopya ng birth certificate ni FPJ at marriage contract ng ama nitong si Allan Poe at unang asawang si Paulita Gomez kay Fornier ang siya rin dating nagpalabas ng rekord laban kay Lim.
Ayon sa ilang source sa United Opposition, tumataginting na P1 bilyon ang inilaan umano upang wasakin si FPJ dahil sa lakas nito sa masa. Gusto umanong tiyakin ng mahigpit na kalaban ni Da King sa pagka-pangulo na masisira ang kredibilidad nito kaya ginagastusan na ng malaking halaga para lamang siya maitaob at masira sa publiko.
Nakatakda namang imbestigahan ng Comelec ang mga naglabasang print ads laban kay FPJ at pinakilos na nito ang Comelec law department upang tukuyin kung sino ang nasa likod ng mga nasabing full-page advertisement. (Ulat nina Ely Saludar/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest