Ito ang lumabas sa pinakahuling pag-aaral ng Food and Nutrition Research and Institute ng Department of Science and Technology.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Francisco Perez, masyadong nakakabahala ang natuklasan sa nasabing pag-aaral kaya dapat itong solusyonan ng gobyerno.
Karamihan sa mga pamilyang Filipino ay wala nang pambili ng pagkain o kaya ay kulang ang suplay ng pagkain.
Sinabi ni Perez na dapat suportahan ng Kongreso ang panawagan ng FNRI-DOST na mag-isip ng mga income-generating activities and development planners at policy makers ng bansa upang magkaroon ng trabaho ang mga naghihirap na Pinoy.
Pinakamataas ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa Bicol, Western Visayas at Eastern Samar. Siyamnapung porsiyento ng pamilya sa mga nabanggit na lugar ang halos wala ng makain, ayon sa FNRI-DOST.
Pangunahing naaapektuhan sa nasabing problema ang mga bata kaya marami ring bata sa Pilipinas ang malnourished.
Karamihan ng mga miyembro ng pamilyang nakakaranas ng gutom ay mga underweight at underheight. (Ulat ni Malou Rongalerios)