^

Bansa

Pagbitay sa Enero 30 di pipigilin ni GMA

-
Hindi na mababago ang desisyon ni Pangulong Arroyo sa pagpapatupad ng parusang bitay sa dalawang sentensyadong kidnapper sa Enero 30 at nasa Korte Suprema na kung ipagpapaliban o aantalahin ito, ayon sa Malacañang.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye kasunod ng panawagan ng mga ambassador ng European Countries na alisin na ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Bunye habang ang mga abogado ng taga-depensa ng dalawang kidnapper na sina Roderick Licayan at Roberto Lara ay nagsumite ng petisyon sa Korte Suprema na humihiling na ipahinto ang nakatakdang bitay sa dalawa.

"Sana ay maunawaan nila ang posisyon ng ating Pangulo at ang posisyon niya tungkol sa death penalty ay firm. Sinasabi ng ating Pangulo na kung ang mga cases ay involving kidnapping at saka drugs ay hindi mag-aaply ang moratorium," ani Bunye.

"The execution will push through as scheduled unless they are stayed by the High Court. We follow the rule of law," sabi pa ni Bunye. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BUNYE

EUROPEAN COUNTRIES

HIGH COURT

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

ROBERTO LARA

RODERICK LICAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with