^

Bansa

FPJ ide-deport pag napatunayang di Pinoy - BI

-
Posibleng mapatapon palabas ng bansa ang standard bearer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na si Fernando Poe Jr. kung mapapatunayang hindi ito tunay na Filipino.

Ayon kay Immigration Commissioner Alipio Fernandez, kung mapapatunayan na isang dayuhan si FPJ ay mahaharap ito sa deportasyon lalo pa kung wala itong pinanghahawakang dokumento na nagbibigay pahintulot upang makapamuhay, makapagnegosyo at makapanatili sa bansa.

Bunga nito, iimbestigahan ng Bureau of Immigration ang mga hawak na dokumento ni FPJ upang matiyak na hindi rin ito maituturing na overstaying alien at hindi illegal ang pananatili nito sa Pilipinas.

Una nang ibinunyag noon ng BI na si FPJ ay may hawak na mga pasaporte ngunit hindi naman malinaw kung tunay na Filipino.

Si FPJ, Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay ay sinasabing anak nina Bessie Kelley na isang American citizen at Allan Poe na isa namang Kastilaloy. Ang dalawa ay hindi umano kasal ng ipinanganak si FPJ noong August 20, 1939.

Bunga ng kawalang dugong Filipino ni FPJ ay hindi ito papayagan ng Saligang Batas na tumakbo bilang pangulo ng bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ALLAN POE

AYON

BESSIE KELLEY

BUNGA

BUREAU OF IMMIGRATION

FERNANDO POE JR.

IMMIGRATION COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ

NAGKAKAISANG PILIPINO

RONALD ALLAN KELLEY POE

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with