Susan Roces ipapalit kay FPJ
January 13, 2004 | 12:00am
Sakaling ma-disqualify si action king Fernando Poe Jr. sa isyu ng kanyang citizenship ay ipapalit dito ang kanyang maybahay na si Susan Roces na siyang tatakbo bilang pangulo para itapat kay Pangulong Arroyo.
Ayon kay dating Senador Ernesto Maceda na nasa ticket ni FPJ, tanging si Susan Roces ang maaaring ipalit sa action king dahil may malakas na hatak rin itong boto sa masa at hindi anya ito labag sa batas.
Bukas ay sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig sa kasong disqualification laban kay FPJ.
Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, na-raffle na ang inihaing petisyon at disqualification case laban kay FPJ at napunta ito sa dibisyon ni Atty. Rufino Javier.
Gayunman, sinabi ng Comelec na maaaring matagalan pa ang magiging desisyon sa kaso ni FPJ na posibleng tumagal hanggang sa sumapit ang halalan sa Mayo 10.
Niliwanag ni Abalos na sakaling mahalal si FPJ sa pagka-pangulo ay maaari naman itong i-disqualify ng Comelec sakaling paboran ang petisyon ni Atty. Victorino Fornier na i-disqualify ang aktor dahil sa pagiging American citizen nito na labag sa isinasaad ng batas sa mga maghahain ng kandidatura. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended