^

Bansa

Desisyon ng SC sa automation minamadali

-
Anumang oras mula ngayon ay nakatakdang ilabas ng Supreme Court ang desisyon nito sa isyu ng legalidad ng kontrata sa pagitan ng Comelec at ng isang pribadong kumpanya para sa automation ng 2004 elections.

Inaasahan na sa isasagawang en banc session ngayong araw ay kabilang sa tatalakayin ang pagresolba sa usapin kung nararapat bang ituloy ang kontrata ng Mega Pacific Consortium, ang nanalong kumpanya na siyang panggagalingan ng mga gagamiting counting machines sa nalalapit na halalan.

Magugunita na nagsampa ng petition for certiorari ang Information Technological Foundation (Infotech) kung saan kinuwestiyon nito ang pag-award sa Mega Pacific Consortium ng nabanggit na kontrata. Iginiit ng Infotech na mahinang klase umano ang mga makinang ipinoprodyus ng nanalong kumpanya.

Ngunit sa isinagawang pagsusuri ng Department of Science and Technology (DOST), lumalabas na wala namang depekto ang naturang mga computer ng Mega Pacific kaya tuluyan nang nai-award ang kontrata dito.

Nakasalalay sa Korte Suprema kung matutuloy ang automation sa May 10 polls at kung hindi nito idedeklara ng illegal ang kontrata ay inaasahan nang babalik na naman sa mano-mano ang pagbibilang ng mga balota.

Kaugnay nito, isang mapagkakatiwalaang impormante mula sa SC ang nagsabi na posible umanong katigan ang petisyon ng Infotech at maibasura ang kontrata ng Mega Pacific. Mayorya umano sa mga mahistrado ay pabor sa pagdedeklarang null and void ang nasabing kontrata sa Mega Pacific. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANUMANG

COMELEC

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

INFORMATION TECHNOLOGICAL FOUNDATION

INFOTECH

KONTRATA

KORTE SUPREMA

MEGA PACIFIC

MEGA PACIFIC CONSORTIUM

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with