Mayor Malonzo pinapa-disqualify sa Comelec
January 11, 2004 | 12:00am
Ginamit laban kay Mayor Reynaldo Malonzo ng kanyang kalaban sa pagka-kongresista sa ika-limang distrito ng Caloocan City ang pagiging narcissistic personality disorder nito upang i-petisyon ang kanyang kandidatura sa darating na May elections.
Isinampa ni Dra. Susana Punzalan, konsehal ng lungsod at tumatakbong kongresista sa naturang distrito, ng 288 Kabutihan St., Deparo, Caloocan ang petisyong i-disqualify si Malonzo dahil sa umanoy pagiging psychological incapacitated nito.
Niliwanag ni Punzalan, na base rin sa nakapaloob sa batas, hindi dapat na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno ang taong may narcissistic personality disorder, isang malala, seryoso at walang kalunasang sakit.
Ang findings kay Malonzo ay base sa ipinalabas na resulta ni Dr. Natividad Dayan, isang clinical psychologist na sumuri kay Malonzo sa isinagawang mga test dito na siya ring iniharap sa korte habang dinidinig noon ang annulment case ng huli laban sa kanyang asawang si Veronica Ayson.
Base sa 16-pahinang desisyon ni Judge Victoria Isabel Paredes ng Caloocan City Regional Trial Court-Branch 124, kinatigan ang annulment case na isinampa ni Malonzo matapos na isa sa ibinase ang pagiging narcissistic personality disorder ng Alkalde.
Si Malonzo ay tumatakbo ngayong kongresista makaraang matapos ang kanyang termino sa pagiging Mayor sa Caloocan kung saan itatakbo nito sa pagka-mayor ang kanyang bagong asawang si Gigi na makakalaban naman ni Cong. Egay Erice. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest