^

Bansa

Biyaheng 8 bus companies sinuspinde ng LTFRB

-
Sinuspinde ng Land Transportation Fanchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng walong kumpanya ng bus dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga batas at patakaran ng ahensiya.

Ayon kay LTFRB chairperson Ellen Bautista, malamang din na matanggalan ng prangkisa ang naturang bus companies kung hindi aayusin ang kanilang operasyon.

Ang Alberto Bus Companies ni Alberto Carating, Belinda Blue ni Belinda Claro, Phil. Corinthians, Jell Tranport, Lippad Transit ni Juliet Lippad, Edgardo Meneses ng Meneses Bus Lines, North Zone Transport Inc. at Mercedita Sta. Maria ng Sta. Maria Bus Line.

Ang naturang mga kumpanya ng bus ay ginagamit ang ilang gasoline station bilang bus terminal na isang paglabag sa transport rules ang regulations dahil ang isang bus operator bago mag-operate ay kailangang may sariling terminal.

Ilan din sa mga nabanggit na bus company ay nakarehistro sa ibang pangalan at walang maayos na akomodasyon ang mga bus para sa "riding public" tulad ng di maayos na airconditioning units at wasak na mga upuan.

Sinabi ni Bautista na kanyang sinubpoena na ang operators ng naturang mga bus upang magpaliwanag hinggil sa illegal na pag-operate ng kanilang mga negosyo at paglabag sa patakaran ng ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALBERTO CARATING

ANG ALBERTO BUS COMPANIES

BELINDA BLUE

BELINDA CLARO

BUS

EDGARDO MENESES

ELLEN BAUTISTA

JELL TRANPORT

JULIET LIPPAD

LAND TRANSPORTATION FANCHISING REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with