^

Bansa

Batas sa Child Labor pirmado na

-
Hindi natinag si Pangulong Arroyo sa matinding pagla-lobby o pressure ng entertainment industry sa child labor law at kahapon ay pinalusot at pormal ng nilagdaan ang Republic Act 9231 na magpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa child labor.

Kabilang sa masasakop ng mabigat na parusa ang mga magsasangkot sa kabataan sa prostitution, slavery at pyrotechnics manufacturing.

Sa ilalim ng batas, hindi bababa sa 100,000 hanggang isang milyong piso ang multa o pagkakulong ng 12-20 taon ang mapapatunayang nang-aabuso sa mga kabataan na may edad 18 pababa.

Ang mga establisimiyento na mapapatunayang sangkot sa child labor ay maaaring ipasara lalo pa’t kung ang paglabag sa batas ay nagresulta ng pagkamatay, pagkaparalisa o pagkaka-aksidente ng kabataang empleyado.

Sa talaan ng National Statistics Office (NSO), 1.25 milyong kabataan ang nagtatrabaho at di na nakakapag-aral.

Ipinakikita ng mga ginawang pag-aaral na ang mga menor de edad ay napipilitang pumasok sa mga delikadong trabaho dahil sa malaking pangangailangan sa pera.

Maraming mga pabrika ang kumakalap ng kabataang manggagawa dahil hindi sila humihingi ng mataas na sahod.

Nauna rito, matagal na nabinbin sa Malacañang ang child labor bill bago tuluyang naisabatas ng Pangulo dahil sa pagtutol ng ilang sektor mula sa industriya ng pelikula na maaaring makaapekto sa mga batang artista. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino)

vuukle comment

ELY SALUDAR

IPINAKIKITA

KABILANG

LILIA TOLENTINO

MALACA

MARAMING

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PANGULONG ARROYO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with