Protektor ng drug lord pinabibitay din
January 9, 2004 | 12:00am
Hindi lamang si William Gan na pinaniniwalaang top drug trafficker sa bansa ang dapat na maisalang sa lethal injection kundi maging ang mga protektor nito.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, nakakabahala ang isiniwalat ni Philippine National Police Dep. Director Gen. Edgar Aglipay na matataas na opisyal ng pulisya ang protektor ni Gan.
Masyado aniyang nakakadismaya at nakakademoralisa sa panig ng matitinong pulis ang naging pahayag ni Aglipay.
Sinabi ng Kongresista na dapat pangalanan ng pulisya ang mga protektor ni Gan sa kanyang illegal drug trade.
Kung hindi aniya sasampolan ang mga matataas na opisyal ng PNP na nagsisilbing protektor ng ilegal na droga ay hindi magtatagumpay ang kampanya ng gobyerno hinggil dito.
Naniniwala ang mambabatas na kilala ni Aglipay ang sinasabi nitong mga protektor ni Gan at hindi ito dapat magdalawang-isip na isiwalat sa publiko kung sinu-sino ang mga ito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended