Jamby umaasang mabubuo pa ang oposisyon
January 9, 2004 | 12:00am
Nagpahayag kahapon ng paniniwala si Jamby Abad Santos Madrigal, spokesperson ng Kontra-Pulitika Movement (KPM) at tumatakbong senador, na malaki ang tsansa na muling magkaisa ang dalawang paksiyon ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) upang maitatag ang isang United Opposition para sa 2004 elections.
Ayon kay Madrigal, lumaki ang pag-asa ng unification ng dalawang LDP groups matapos magkatagpo kamakalawa sina Sen. Edgardo Angara at Rep. Butz Aquino sa necrological services ng namayapang si Rep. Maria Clara Lobregat, isang kilalang LDP member. Dumalo rin sina action king Fernando Poe Jr, standard bearer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na suportado ni Angara, Senator Panfilo Lacson, House Minority leader Carlos Padilla na sumusuporta kay Lacson at dating Rep. Mike Romero Nagkatabi pa sa upuan ang mga lider ng dalawang paksyon ng LDP at ayon kina Angara, sila ay nag-usap tungkol sa posibleng unification ng dalawang LDP factions. Ang mga pahayag nina Angara, Aquino at Lacson ay nagpapahiwatig ng malaking posibilidad sa muling pagbubuklod ng opposition party upang magwagi sa 2004 elections.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended