^

Bansa

Robot ililipat ng ospital

-
Inirekomenda na kahapon ng mga opisyal ng AFP Medical Center na ilipat sa Camp Aguinaldo Station Hospital si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot upang mas mabigyan ito ng sapat na seguridad.

Ayon kay AFP surgeon general Col. Rafael Regino, na kahit nagkaroon ng impeksiyon ang sugat sa kanang binti ni Robot ay minimal lamang ito o kontrolado pa para pagdesisyunang putulin rin tulad ng nangyari sa kanyang kaliwang binti.

Nabatid na nagkaroon ng "pinside" na impeksiyon ang pinagtusukan sa kanang binti ni Robot dahil sa pagkadurog ng istraktura ng buto nito sa tinamong mga sugat sa nasabing bahagi ng katawan.

Kung hindi anya makokontrol ang impeksiyon ay delikado rin ito dahil magkakaroon ng "syptic shock" kung saan pangunahing maapektuhan ang daloy ng dugo nito at posibleng humantong sa pagputol rin ng kanan nitong binti. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AYON

CAMP AGUINALDO STATION HOSPITAL

GHALIB ANDANG

INIREKOMENDA

JOY CANTOS

KUMANDER ROBOT

MEDICAL CENTER

NABATID

RAFAEL REGINO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with